Monday, 6 April 2020

Our Frontliners (The New Heroes)

            

                 "Hero" salitang napakadaling banggitin mahirap lang gawin. Paano ba matatawag na ikaw ay isang bayani? Kapag ikaw ba ay namatay sa pakikipaglaban para sa ating bayan? Maraming paraan para ikaw ay maging isang bayani. Isa na rito ay ang gumawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa na habambuhay ka nilang naaalala
                Sa ngayon ang ating bayan ay nakikipaglaban sa isang kalaban na hindi naman nakikita. Ito ay ang tinatawag na Corona Virus. Ang Corona Virus ay nagiging sanhi ng kamatayan ng mga kapwa Pilipino at mga tao sa iba't ibang panig ng mundo. Ito din ang dahilan kung bakit ang ating bansa ay nasa EECQ (Extreme Enhance Community Quarantine), isa ito sa paraan ng ating gobyerno upang masugpo ang pagkalat ng virus na ito. Dahil sa mga pangyayaring ito sa ating bansa maraming tao ang nagiging bayani upang matulungan ang mga tao na masugpo ang Corona Virus na ito. Sila ay ating tinatawag na FRONTLINERS, sila ang mga taong tumutulong upang magamot at mabigyan ng lunas ang mga nagkakaroon ng sakit na COVID 19 dahil sa Corona Virus. Ang mga frontliners na ito ay kinabibilangan ng mga doktor, nurse, pulis, sundalo, health workers, at iba pang tao na tumutulong upang maipatuloy ang pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
               Bilang pakikiisa sa pasasalamat natin sa mga taong tinatawag nating Frontliners,ang mga SPG Officers ng Lokeb Norte Elementary School na pinangungunahan ng SPG President na si Rhean Angel F. Dela Cruz ay gumawa ng iba't ibang Thank You Card para pagkilala nila sa mga sakripisyong ibinabahagi ng ating mga magigiting na Frontliners. Ang mga SPG Officers ng LNES ay sumasaludo sa kagitingan na ipinapakita ng ating mga bagong bayani. 

OUR FRONTLINERS!!!!!

                We Salute You!!!!!!
                Our Beloved Frontliners........
                Thank You & God Bless You All!!!!!







No comments:

Post a Comment